Kamusta Ka?

Kumusta ka?
Ang tagal na ah.
Gusto ko lang sana
malaman kung okay ka.
Teka lang!
‘Wag moko ipagtabuyan,
di kita babalikan,
totoo, nangungumusta lang.

Bawal na ba yun?
Yung kausapin ang
taong minahal mo noon?
Nung umalis ka kasi
nawalan ako ng pagkakataon.

Naging isa akong
malaking tanga.
Hinabol-habol pa kita –
and stupid lang, diba?
Aaminin ko,
ginusto kong bumalik sayo
yung tipong ako ulit
ang gustohin mo…
Ala Basya lang yung peg
wagas kung maka-beg.

Pero OK na ako ngayun,
heto, nakapag move on.
Masaklap yung pinagdaanan,
pero nalampasan ko naman.
Minahal kita noon…
Baka nga, mahal pa rin kita
hanggang ngayon.

Pero dahil masaya kana,
kung mahal talaga kita,
kailangan ko maging masaya…
Dahil sa wakas,
sa’yo may nagpapangiti na.
Wag ka mag-alala…
Gawin natin tong huling ala-ala
na minsan… naging tayo pala.

MR@2016

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s