Huli Na.

Umaambon na naman
maya’t maya’y bubuhos ang ulan.
Maaalala na naman
ang mga panahong nagdaan.
Sa bawat pag-ugoy ng hangin
Kalungkutan ang nadarama
Sa bawat dagundong ng kulog
Ako’y nanghihina.
Nakatulog ako ng matagal,
sa himbing ko,
di ko na namalayan,
matagal ka na rin palang
nakatutok, nakaabang,
na ako’y magising
sa katotohanan.
Pilitin mang magising,
ang mata ko nakapikit pa rin,
nabulag sa katotohanan
na ang buhay maikli lamang.
Kaya lubhang pagsisisi
ang nadarama
simula ng ika’y nawala.
Eto ako ngayun
dilat na dilat na
ngunit huling huli na rin pala.
Lumisan ka na,
hindi man lang tayo nagkita.
Ipinagkait ko sayo
ang nag iisang hiling mo –
na tayo’y magkasama
sa mga huling araw ng buhay mo.
“Masyado akong abala!”
ang palaging katwiran ko.
Ngayun iyon nalang ang meron ako
abala at katwiran,
ngunit para pa to saan ‘to
kung wala ka na rin lang
sa piling ko…

MR

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s